Huwebes, Abril 6, 2017

Trillanes Dedesisyunan na ng Taong Bayan

Ngayon na nabunyag ang ang katotohanan sa inihayag ng isang babae na taga Davao. Mukang sirang-sira na ang muka ni Trillanes sa harapan ng maraming Pilipino dahil sa desperadong mga alegasyon niya sa Pangulong Duterte pero matigas pa din ang muka niyang humarap sa media para dagdagan pa ang mga kasalanan niya sa ating bayan.

Sa kabila ng pahayag ng babaeng ito sa  panunuhol ni Trillanes at ng kayang staff sa kanya. Tila manhid si Trillanes sa pag-amin niya na totoong  na kanyang sinuhulan ang taong ito para palabasin na isang Drug Lord si Pangulong Duterte. Nihihibang na ata itong si Trillanes? wala na ba talagang magawa itong tao na ito sa bayan natin at patuloy padin sa paninira sa Pangulo ng ating bansa? na sa halip ay tumutulong para solusyonan ang napakaraming problema na hinaharap ng bansa natin ngayon. Kaya minsan napapaisip ako pano ba nanalo ang kolokoy na ito sa pagka-Senador? Eh tila puro pambabatikos ang ginawa sa buhay niya bilang Senador. Wala namang nagawa. 

Dito na magsisinula ang kalbaryo ng buhay ng ating Senador na mayabang at bastos. Siya mismo ang sumira sa kanyang sarili. Medyo nadulas nga lang siya sa pinili niyang tao para gamitin laban sa Pangulo ng Bayang Pilipino. Sa sobra pagkadesperado lumabas ang kasinungalingan niya at mga kademonyohan niya. Walang-wala ng tiwala sa kanya ang mga tao dahil mula't sapul na inilabas niya itong mga bayaran na sina Lascanas at Motabato ay puro kabulaanan ang mga pinagsasabi ng mga nito sa media. Tapos ito naman, gagawa na naman ng isang makasalot na kilos itong si Trilllanes pero sa kabutihang palad ang babaeng balak nilang gamitin ay  nagsabi ng katotohanan. Sorry ginoong Trillanes BAD MOVE!.

Maaaring ang Senador na ito  ay not impeachable, ito lang ang sa tinging kong mangyayari sa kanya. Mismong taong bayan na ang mag-aalis sa kanya sa kapangyarihan bilang senador. At sa tingin ko ang "People Power" ay hindi lamang ginagamit para sa  pagpapatalsik sa Presidente, bakit kaya hindi natin gamitin ito para mapatalsik ang mga bulok na kawani ng Gobyerno? Tulad nitong si Trillanes.